News

24K tablets ipinamahagi sa mga mag-aaral sa Valenzuela city

Namigay ng 24,000 tablets ang city government ng Valenzuela sa mga public elementary at highschool students para sa kanilang mga online classes.

Basi sa 2020 enrollment declaration ng DepEd ay mayroong 24,000 out of 130,000 public elementary and high school learners ang walang smartphone o gadyet na pwedeng gamitin pang online learning.

“After going through a strict and stringent procurement process, as well as importation process, this week, we will release 24,000 smartphones to our students in our public schools who stated that they do not have any handheld device during enrollment,” ayun kay Mayor Rex Gatchalian.

PHP69 million ang inilaan na budyet ng city government para mabili ang mga tablets.

“The distributed tablets can be used for watching lessons in the City’s very own Valenzuela LIVE Online Streaming School, as well as catching up with their lessons and watching educational videos,” sabi ng city government.

Malaking tulong ang mga gadyet na ito sa mga mag-aaral lalo’t marami sa mga aralin ay makikita online gaya ng DepEd Commons at DepEd TV.

“Making sure that no student is left behind in quality education,” dagdag pa nila.


Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *