Bakit kailangang bayaran ang sweldo ng mga guro kahit walang pasok

Naging mainit sa mata ng ilang mga kritiko ang mga public school teachers na kahit walang pasok ay tumatanggap ng kanilang sweldo.

Una, naaayon sa batas ang pagpapasweldo sa ating mga guro kahit na walang pasok ngayong pandemic. Gobyerno ang gumagarantiya sa kanilang job security at source of income sapagkat sila ay government employees. Ayon din sa batas, lahat ng public school teachers ay dapat mabigyan ng kaukulang hazard pay at benepisyo sa gitna ng pandemya katulad ng COVID-19.

Hindi rin po totoong walang ginagawa ang ating mga guro. Mandato parin ng DepEd ang magbigay edukasyon para sa mga Pilipino. Naghahanda ngayon ang mga guro, principal at ibang empleyado ng DepEd para sa blended learning na kung saan gagamit sila ng mga modules sa pamamagitan ng printed workbooks at online teaching platform katulad ng DepEd Commons.

Huwag po nating maliitin ang paghahanda at sakripisyo ng ating mga guro. Sa panahong walang pandemya, pagtuturo lamang ang kanilang ginagawa. Hindi nila layuning magpayaman. Kaya ngayong pandemya, magpasalamat tayo at hindi sila tumitigil sa pagtuturo. Bagkus, bigyan po natin sila ng nararapat na proteksyon at budget para maalagaan nila ang kanilang sarili at pamilya sapagkat walang magtuturo kung magkakasakit at magugutom ang ating mga mahal na guro.

Like DepEd Tambayan to show your support to our DepEd teachers.


Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *