Baon Tips Ngayong Pasukan

Ilang lingo na lang ay balik eskuwela nanaman ang mga chikiting! Bilang isang wais na nanay, nakapag isip ka na ba kung ano ang iyong ipapabaon sa iyong anak? Hindi man maikakaila ang pagiging “picky” ng mga bata ngayon, mahalaga pa rin na mapabaunan natin sila ng simple man ngunit masarap at masustansyang pag-kain. Ayon sa Harvard Health Information, mayroong “the five na binunuo ng grains (rice, pasta, bread, o cereal), gulay, prutas, dairy foods (milk, cheese) at karne. Ang “the five ay matuturing na balanced meal na makakatulong sa mga bata na lumaking malusog.

Kaya sa darating na pasukan narito ang tatlong baon tips:

1.Imbes na bumili ng mga prepacked snacks, ay gumawa na lamang ng sariling packed snacks.

  Ang mga pag-kaing pre-packed o instant ay may mas mataas na fats at sugar, kaya mas mainam na gumawa na lamang ng sariling packed snacks katulad ng sandwich na puwedeng paresan ng freshly squeezed juice.

2. Subukan ang “Bento Baon”

Ang “Bento Baon ay isang malikhaing pag-gawa ng baon para sa mga bata, kung saan maaring gumawa ng mga shapes and characters gamit ang mga pag-kain. Mas madaling makuha ang loob ng mga bata upang kumain ng gulay at prutas. Hindi lang natin matutulungan ang ating mga anak na kumain ng mga masustansyang pagkain, lumalabas din ang ating pagiging malikhain.

3. Gumawa ng “Baon Plan”

Mainam at makakatulong din ang paggawa ng “baon plan o meal plan” Mas mapapadali ang paghahanda ng baon, nakakatulong ito upang maiwasan na magkaroon ng food waste.


Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *