Dating DepEd teacher na dapat principal na, naging propeta?

Hindi raw tinatablan ng kahit anong klase ng sakit o virus maging ang COVID-19 ang isang relihiyosong samahan sa Agusan del Sur sapagkat prinoprotektahan daw sila ng Banal na Espiritu na sumasanib sa kanila. Ang kanilang lider- isang dating guro.

Matatagpuan ngayon sa Mt. Zion,Prosperidad, Agusan del Sur ang samahang Zion of God na pinamumunuan ni Nieva Plaza, dating magaling na public school teacher. Itinuturing ng grupong ito na Mindanao ang “promise land” na tinutukoy sa Bibliya.

“Ang Mindanao is the promise land. It is written. Sabi ni Lord, pinili niya ang Mindanao dahil mahal niya ang Mindanao and the Philippines,” –salaysay ni Nieva sa isang panayam sa kanya.

Ayon pa sa lider ng samahan, kailangang sapian ng Banal na Espiritu o Holy fire baptism ang sinumang gustong makianib o magpabinyag sa Zion of God.

“After shaking, aalis sila sa katawan nila. They will travel to hell, travel to heaven. ‘Yung mga willing na heart, ‘yun lang pinapasukan ni Lord.”- dagdag pa ni Nieva.

Binuo ni Nieva ang samahan apat na taon na ang nakalilipas nang magparamdam umano ang paginoon sa kanya alas tres ng madaling araw upang ipabatid sa kanya ang nais ng diyos.

Ayon sa kanya, “’Lord, bakit ako. ‘Di ko kaya, Lord.’ Sabi ni Lord Jesus, ‘Kaya mo, sasamahan kita.’”

Si Nieva Plaza ay may siyam na anak at sampung mga apo. Siya ay dating public school teacher na naging businesswoman nang iwanan ang pagtuturo. Naranasan din niyang maging isang Barangay Kagawad. Ayon sa dati nitong katrabahong guro, magaling si Nieva at marunong makisama sa kanyang mga kapwa guro. Kung hindi nito iniwanan ang propesyon, malamang isa na siyang punongguro ngayon.

Halos apat na taon na siyang hindi nakakababa mula sa Mt. Zion ngunit binibisita siya ng kanyang mga pamilya tuwing may mga mahahalagang okasyon.


Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *