DepEd: “Huwag isisi sa amin ang lahat ng mali sa module”
Humihingi ng tulong ang Kagawaran ng Edukasyon sa Department of Justice (DOJ) noong Biyernes, ika-29 ng Nobyembre, upang humingi ng payo kung paano mapanagot ang sinumang umaakusa sa DepEd ukol sa mga mali-maling modules na kumakalat sa internet.
Ayon sa kalihim ng edukasyon na si Secretary Leonor Briones, kumonsulta ang DepEd sa Department of Justice upang mapag-usapan ang mga nararapat na gawin sa mga tao o grupo na isinisisi sa kagawaran ang mga mali-maling modules.Nakapag-imbestiga na rin sila sa mga nag-viral na modules at napatunayan na hindi lahat ay mula sa DepEd .
Ayon naman kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, nakapagtalaga sila ng mas marami pang tao upang sumuri sa mga modules ng kagawaran at hihingi din ng tulong mula sa ibang sektor upang maiwasan ang pagkakaroon ng mas marami pang kamalian sa mga modules.
“Gusto ko rin pong bigyang-diin na hindi lahat ng nagiging viral sa social media ay nakikita natin na gawa ng DepED,” ani ni Usec San Antonio.
Samantala,papalitan naman ng DepEd ang mga workbooks na nasira dahil sa bagyong Rolly at Ulysses.
Basahin : DepEd papalitan ang mga binagyong module