Foot pedal wash basins, tampok sa Sultan Kudarat
Ipinagmamalaki ngayon ng P.C. Bayanihan Elementary School sa Isulan, Sultan Kudarat ang kanilang foot pedal wash basins gamit ang mga sirang washing machine.
Ayon sa punong-guro ng paaralan na si Joane Cher F. Yturalde, ang nasabing proyektong ito ay nakatulong sa kalikasan kasabay ng pag-obserba sa mga minimum health protocols ng COVID 19.

“It was a brilliant idea to use old washing machines since these are usually dumped in our houses whenever they become broken, plus it has big containers and drainer. We were also able to save from buying aluminum sinks and other materials because of this project,” ani ng punongguro.
Ang naturang foot pedal wash basins ay dinonate ng mga guro at ginawa naman ni Mr .Boyet Allas na asawa ng isang guro sa PCBES. Kinilala rin ng kagawaran ng Edukasyon ang inisyatibong ito ng P.C. Bayanihan Elementary School.
Ang hugasan na ito ay ginagamitan ng foot pedal para mapagana. Tumulong naman sa pagpipintura ang ilang mga Alumni ng paaralan.

