News

Lasing na guro, pinukpok at sinunog sa likod ng paaralan


Patay ang isang guro matapos pukpukin at sunugin ng 20-anyos na binata noong ika-18 ng Marso sa San Pascual Elementary School, Nueva Ecija matapos nitong paulit-ulit na sapakin ang suspek na abala sa kanyang cellphone.

Kinilala ang 63-anyos na biktima na si Rolando dela Cruz,residente ng Barangay San Alejandro sa bayan ng Quezon, at ang 20-anyos na suspek na si Joebert Gamrot ng San Pascual, Sto. Domingo.

Courtesy: Nuev Ecija TV48

Ayon sa ulat, lasing ang biktima nang lapitan nito ang noo’y abala sa kanyang cellphone na suspek at paulit-ulit na pinalo sa ulo. Nagalit naman ang suspek kayat napukpok niya ng dos por dos na kahoy ang ulo ng guro na agad nawalan ng malay.

Binalak umano ng suspek na itago ang bangkay na guro kayat dali-dali nitong hinila ang katawan ng biktima sa basurahan sa likod ng eskuwelahan at tinabunan ng mga tuyong dahoon tsaka sinindihan gamit ang posporo. Pinaniniwalaan na buhay pa ang biktima nang sunugin ng suspek.

Nahaharap sa kasong murder si Gamrot at kasalukuyang nakakulong sa Sto. Domingo Poilice Station.

Basahin: PNP Chief Sinas, lumabag na naman sa COVID 19 health protocol



Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *