News

Isang guro, patay sa pananambang

Patay sa pananambang ng rider-in tandem ang 29-anyos na guro sa Brgy. Bucayao, Calapan City, Oriental Mindoro nitong Martes ng gabi, ika-30 ng Marso ng taong kasalukuyan.

Kinilala ang biktima na si Mark Linniel Balita na isang guro sa Mindoro State College of Agriculture and Technology.

Ayon sa imbestigasyon sa pamumuno ni Calapan City Police ChiefCalapan City Police, pinagbabaril siya ng mga suspek na lulan ng motorsiklo habang ang biktima ay nakasakay sa isang kotse. Nakapagtamo naman ng tama ng bala sa ulo si Balita

Hindi pa tukoy ang motibo ng mga suspek sa nangyaring krimen.

Samantala, pinsan din siya ng radio anchor at negosyanteng si Carl Balita.

Basahin: Education Supervisor patay sa pamamaril sa Sultan Kudarat


Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *