Koreano, namimigay ng libreng tubig sa mga motorista habang nagbebenta ng Korean noodles

Usap-usapin ngayon ang 76-anyos na negosyanteng Koreano nang mamataan na nagbebenta ng Korean noodles sa gilid ng kalye sa Las Piñas. Inabutan umano ng lockdown noong Marso ang negosyante kayat napilitan siyang magbenta ng produkto galing sa Korea.

Si Chang Sam Hyun ay makailang ulit na ring nakalabas-pasok sa bansa dahil sa kanyang construction business.Tatlong araw bago ang kanyang flight pabalik sa kanilang bansa, nagdeklara ng Lock Down sa buong Pilipinas.

Photo Credits : ABS-CBN News

Ayon sa panayam ng isang reality TV show na “Stand for Truth”,niloko at pinagnakawan siya ng mga ilang Pinoy at maging mga kapwa Koreano na naninirahan sa Pilipinas.

Nagbebenta si Sam Hyun ng Buy 2 Get 1 na Ramyun sa halagang P 100. Kumikita naman siya ng P 200 – P 300 kada araw na ayon sa kanya, sapat lamang upang maitawid ang kanyang pang ara-araw na pangangailangan. Namimigay rin siya ng mga libreng tubig para sa mga motorista.

Mahirap man ang kanyang sitwasyon, masaya naman ito. nananawagan din siya na sana ay matulungan siyang makabalik sa Korea.

Photo from Justine Herrera Santiago
Source: Facebook


Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *