News

Lazada rider, pinakasalan ang kanyang customer

Pinakasalan ng isang rider ng isang sikat na online shop ang kanyang customer nang mahulog ang kanyang loob dito matapos mag-deliver ng kanyang parcel sa Asingan, Pangasinan.

“Naalala ko pa nung una kitang nakilala lagi akong excited pumasok lagi sa trabaho para i-check kung mababasa ko ba ang pangalan mo sa runsheet ko tuwing umaga!” ani ni Marlon.

Courtesy: Marlon Cajucom, Romel Aguilar/PIO Asingan)

Ayon kay Marlon Cajucom, nagsimula ang lahat nang maging regular na customer ni Marlon ang nanay ng kanyang asawa na si Jhasin May Benito. Sa isang pagkakataon, nakapag-deliver ng parcel si Marlon ng dis-oras ng gabi kayat laking gulat ng mga ito na nagtratrabaho pa ang rider kahit lampas alas singko (5:00) na ng hapon.

Courtesy: Marlon Cajucom, Romel Aguilar/PIO Asingan)

Nang makita ito ni Mary Grace, nanay ni Jhasin, tinanong agad nito kung may asawa ang rider.

“Bakit daw ang sipag-sipag ko eh wala pa naman daw ako binubuhay? Ang sagot ko po noong time na yun kasama ko po sa pangarap yung magpursige buhay,” kwento ni Marlon.

Ipinakilala agad ni Mary Grace si Marlon sa kanyang anak hanggang sa nagkamabutihan ang dalawa noong November 5 at natapos nga ang pag-iisang dibdib nitong ika-26 ng Enero.

Ayon naman kay Jhasin, masipag at malabing si Marlon kayat kahit pa naka-duty ito, pinapadalhan pa rin siya ng bulaklak.

Courtesy: Marlon Cajucom, Romel Aguilar/PIO Asingan)

Basahin: 24K tablets ipinamahagi sa mga mag-aaral sa Valenzuela city


Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *