P 2,000 na ayuda sa ilalim ng Bayanihan 3 isinusulong ng ilang mambabatas
Ilang mambabatas ang nagsusulong ng P 2,000 na ayuda para sa 108 milyong Pilipino sa kahit anong katayuan sa buhay sa ilalim ng Bayanihan 3 bill na may P 405.6 bilyong pondo.
Ayon sa mga nagsusulong nito kabilang si Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, tatawaging “Sana All” ang ayuda na ipamimigay sa dalawang tranches na may P 1,000.00 bawat tranche.
“The total amount is P405.6 billion, which includes P216 billion for the ayuda for all Filipinos. There are different kinds of ayuda. The most basic kind is the “Sana All” ayuda which is 1,000 per head. We’ll be doing this in 2 tranches,” ani ni Rep. Quimbo.
Dagdag pa ni Quimbo, maraming pumila para sa Social Amelioration Program (SAP) ang hindi nabigyan sapagkat wala ang kanilang mga pangalan sa listahan. Sa “Sana All” ayuda, lahat ay mabibigyan kahit ano mang katayuhan mo sa buhay.
Ayon naman kay Albay Representative Joey Salceda, ang pagkakaroon ng universal basic income ang lulutas sa mga problema sa pamimigay ng mga ayuda galing sa gobyerno.
“Kasi wala nga national ID so mas mabilis kung gamitin mo lang yun number of people per barangay as basis for budgeting and mas maiiwasan natin yung adverse developments, adverse events during the SAP,” ani ni Salceda.
Basahin: PRRD praises “selfless, dedicated” frontliners