Pagbaba ng ranggo ng Pilipinas sa English Proficiency Index, ikinabahala

Bumaba sa ika-27 na ranggo ang Pillipinas sa pinakahuling  2020 English Proficiency Index (EF EPI)-Global mula ika-20 na ranggo noong 2019. Pumapangalawa naman tayo sa Singapore sa English Proficiency-Asia sa iskor na 562/700 habang 611 naman sa nangunguna.

Ramdam din ang pagbaba ng ating bansa nitong nakalipas na limang taon. Ika-13 ang Pilipinas noong 2016, ika-15 noong 2017 at ika-14 naman noong 2018.

Ikinabahala naman ito ng Kagawaran ng Edukasyon kayat nagkaroon ito ng malawakang reporma upang matugunan ang pagbaba ng rangko ng bansa sa nasabing English Proficiency Index.

Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, isinulong nila ang “Sulong EduKalidad” nitong Pebrero upang mapaigting ang kalidad ng basic education.

“But quality interventions, the fruit of that takes time. We are determined to make significant strides in the education quality in the near and medium term,” ani ni Usec. Nepomuceno.

Ang “Sulong EduKalidad” ay nakatuon sa apat na pagpapaigting sa basic education hinggil sa 1) Pagrepaso sa K to 12 curriculum, 2) Pagpapabuti ng learning environment, 3) Teachers upskilling and reskilling, and (4) Engagement of stakeholders for support and collaboration.

Gayunpaman, napapanatili namang “high” ang katayuan ng ating bansa sa iskor nitong 562. Ibig sabihin, malaki at malawak parin ang pang-unawa ng mga Pilipino sa wikang Ingles sa trabaho, telebisyon at mga babasahin.


Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *