Paglabas ng Financial Documents ng SSS at GSIS, iginiit ng Kongreso.

Hindi parin nakapagsumite ang Social Security System (SSS) at ang Government Service Insurance System (GSIS) sa hiling ng kongreso hinggil sa mga financial documents nito upang mapatunayan ang pahayag ng dalawang ahensya na malulugi ito kung hindi magtataas ng singil sa mga miymebro nito. Iginiit din ng kongreso na ilabas ng mga ito ang kanilang mga transaksiyon kabilang ang mga sweldo ng mga opisyal dito.

Ayon kay Rep. Jose Singson Jr. na siya ring chairman ng Public Accounts Committee sa House of Representatives, hiniling nila ang mga detalyadong financial documents ng dalawang government-owned and controlled corporation (GOCC). Aniya, kung hindi maglalabas ang SSS at GSIS, mapipilitan silang maglabas ng subpoena para ilabas ng mga ito ang nasabing dokumento.

Kamakailan, ipinasa ng Kongreso ang Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 kung saan magtataas ng 1% ang contribution rate simula 2019 hanggang 2025.Umabot na sa 13 % ang contribution rate nitong 2021 mula 11% noong 2018.

Read more: Top 10 challenges faced by Filipinos in distance learning


Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *