PNP Chief Sinas, lumabag na naman sa COVID 19 health protocol

Maghahain ng kaukulang reklamo si  Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor laban kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas sakaling mapatunayan ang kanyang paglabag sa screening protocols matapos itong bumisita sa Calapan City noong ika-11 ng Marso ng kasalukuyang taon.

Dumating si Sinas gamit ang helicopter. Wala umanong health personnel sa airport sapagkat wala pang flights sa probinsya hanggang sa kaslaukuyan. Dahil dito, hindi na nakipag-coordinate si Sinas sa mga health authorities.

“For me, there’s no such thing as a VIP person, no VIP treatment for anybody. If he has violated the law, he should be held responsible. Personally, I am not concerned whether he’s the chief of PNP or whether chief of military or whether he’s a government official. For as long as that person after investigation found,he should be held liable,” Dolor said.

Batay sa imbestigasyon, ang pagdating ni Sinas ay hindi naipagpaalam sa city government ng Calapan ayon kay Calapan City Mayor Arnan Panaligan.

Nitong nakaraang taon, matatandaang lumabag din si Sinas sa COVID 19 health protocol noong kanyang kaarawan. Gayunpaman, buo parin ang tiwala sa kanya ni President Rodrigo R. Duterte.

Basahin: Lazada rider, pinakasalan ang kanyang customer


Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *